Entries for December, 2003

December 1st, 2003

Blah!

Inaway ko kanina si Torp. Putangina naman kasi, anglandi landi. Kanina pagpasok ko sa irc me nilalandi doon. Tapos sasabihin isang line lang daw yung tinayp niya. Ewan ko, basta umusok tuktok ko talaga. Tangina sya, dapat bawas-bawasan niya kalandian niya sa ibang babae.
Posted by _forevergirl at 03:28 PM | 2 holla at me

December 3rd, 2003

Uhmmmmmmmmm <3

Kasi ganito yan, mahirap sa kin magmahal kasi sobra kong selosa. Ewan ko ba, siguro nasa dugo ko na yun. Lahat kasi ng babae sa pamilya namin ganyan. Oo na, aaminin ko na. Kasi si Aliza lagi na lang akong inaasar na pag me gusto akong lalaki antagal ko bago umamin. Ok, mahal ko si Torp >___________<;;; Ewan ko, parang biglaan, tapos ngayon parang baliktad na, ako na yung naghahabol x_X;;; Haayyy!! Buhay-buhay nga naman. Tapos nung minsang sinusungitan niya ko, para akong mamatay sa kilig, kekekeke!!! Weird no? Ganyan talaga, kanya-kanyang trip, kanya-kanyang diskarte. Kagabi, tinawagan ko sya, sabi ko mga bandang 11pm Phils time ako tatawag, eh kaso kailangan ko pang hintaying bago makatulog lahat ng tao sa bahay bago ko sya matawagan, tuloy 1:30am na ako nakatawag sa kanya. Mukha hinihintay nga tawag ko, kasi angbilis niya sumagot tapos alam niyang ako na yun. Akala ko nga yung roommate niya sumagot ng fone, sabi ko 'ulol na to, baka ginagago ako'. Eh sya na pala yun^_^;;; Wala lang, nalilibang ako ngayon.

Sars, sa 12 ba ang c3?? kasi Friday yun eh, me pasok ako. Bawal umabsent dun, 1:30pm ang pasok ko, kung gusto mo daan na lang ako Megamall o kung saan gaganapin ang c3, tapos pag 12:30 alis na ko.
Posted by _forevergirl at 09:34 PM | 4 holla at me

December 4th, 2003

Kekekeke

Grabeh, sumakit tyan ko kakatawa dun sa sinabi mong manga Sars. Eto yung fave scene ko:
Posted by _forevergirl at 01:37 PM | 2 holla at me

December 5th, 2003

wahahaah!!

Ang cute nila!!! naalala ko tuloy si Mojacko ^_^;;
Posted by _forevergirl at 11:28 PM | 6 holla at me

December 8th, 2003

Kinacareer

Sars, sabi ni Den baka raw maging Pediatrician sya o kaya OB. Sabi ko pag naging pedia sya, sa yong magiging doktor ng magiging anak natin :D Kelan ka ba mag-aasawa??? XD;;; Ako maghihintay pa, jawk.

Ano kaya magiging trabaho ko?? Type kong maging researcher, pwede na ring curator.
Posted by _forevergirl at 11:41 AM | 4 holla at me

December 9th, 2003

Uhmmm...

Hindi talaga maganda pakiramdam ko ngayon. Naglagay ako petroleum jelly sa labi ko. Ewan ko ba, nangangati eh. Tsaka me mga kagat ako sa lower lip ko. Tanggala talaga..

Gumawa ako kahapon ng bagong layout inspired by Coco Lee's All Around the World. Gustung-gusto ko kasi yung song na yun. Dun ko kinuha yung user name ng tabulas ko. Kasi merong line dun sa song niya na '~forever I'll be your girl'. Kaya ginawa kong forevergirl user name ko.

Nga pala, hindi ako makapagcomment sa tabulas ni Nico. Na-add ko na rin si Adz at welcome Den sa tabulas!!!
Posted by _forevergirl at 02:39 PM | 1 holla at me

December 12th, 2003

IRC CHAT

* Torped0 burps on sheila
[Nurik0] such a gentleman
[Re|ena] yeah, he's always like that -___-;;
[Torped0] no im not -_-
[Re|ena] you fart, u burp
[Re|ena] u masturb o.o;;
[Nurik0] boy does he
[Torped0] .......
[Torped0] LOL
[Nurik0] all the time
[Torped0] HAHAAHHA
[Torped0] yup
[Torped0] fukc
[Torped0] brb
[Torped0] im choking on cherry coke
[Re|ena] serves you right
Posted by _forevergirl at 04:24 PM | 1 holla at me

December 13th, 2003

wa-hey!!

Grabeh, ampagod ng araw ko. Gumawa kami ni Mike ng journal kanina. Kaya lang naka-friends only mode sya. Tama na yung kami lang nakakabasa. Kasi baka sabihin naman ng iba, ang mais namin. Tsaka ewan ko, ayaw ko ng bulgarang relasyon. Pero mahal ko yun =3

Ang hirap ng walang pera u_u;; Kailangan ko nga pera. Bah naman si Mama, me pera yun ayaw akong bigyan. Pinagtataguan nga ako nun ngayon eh. Alam nya kasi na pag alam kong pera sya huhuthutan ko sya. Ehehehe!! Kaya nga Nanay ko sya eh, para meron akong hingian.

Nakuu, naka-alarma na naman dito sa bahay. Kasi nga halos hindi na naman kami mapaghiwalay ni Aliza. Pag kaming dalawa kasi magkasama, parehong pariwara buhay namin. LOL. Basta ewan ko ba, puro kalokohan kasi kaming dalawa. Sabi niya lipat na lang daw ako sa kanila. Ewan ko lang ha, kung payagan ako. Malamang ay hindi. Hindi na nga ako pinapayagang matulog sa kanila. Dati yung mommy nun ni Aliza nakasimangot kapag magkasama kami, ngayon sanay na sya. Hehehe! Kasi damayan kami nun eh.

Nga pala, sumasang-ayon ako sa yo Neko about LJ. Kasi di baaaah???!?! Parang nawala yung prestige ng pagkakaroon ng LJ. ROFL. Ewan ko kung ano masasabi nyo. Basta agree ako sa yo, Neko.
Currently feeling: tired
Posted by _forevergirl at 08:26 PM | 1 holla at me

December 15th, 2003

ugly pimp

Posted by _forevergirl at 07:17 PM | 3 holla at me

December 17th, 2003

Paalam Muna

Aalis ako bukas, uuwi auntie ko sa Bicol kaya sama na lang ako. Ayoko dito magpasko, kawawa naman lola ko dun, malungkot yun ngayon sigurado. Sana maaga dumating yung driver para mga 7pm andun na kami. Matagal kasi biyahe; 8-10 ora.

Lilipat na ako ng hosting. Pagbalik ko, babayaran ko na yung bill na hindi ko pa nababayaran kay Alwell. Kasi yung me ari ng Daet Online na friend ng friend kong si Lanie na mejo friend ko na rin ay mag-oopen ng web hosting. Dahil sa magkababayan kami, sabi ko sa kanya lipat na lang ako sa kanya. Eh binabarat ko nga eh, kekeke. Sabi ko 180mb ang space, 3 gig ng bandwidth, unlimited ftp accounts, umlimited email accounts at 3 and domain names na pwede i-park. Pag-ayaw niya, bahala siya, hindi ako sa kanya lilipat. Pero malamang na pumayag yun. Me comp shop ata nga sya eh. Kaya ayun, magkakaron na ko ng bagong host =D

Mga bakla, mami-miss ko kayo ;_________;

Advance Happy Xmas na lang =3
Posted by _forevergirl at 09:22 PM | 5 holla at me